Frequently Asked Questions (FAQ)
10. Bakit ako nakakatanggap ng "unknown host xxx" error kahit na nakakakonek pa ako sa aking website/server?
Ang error na ito ay nangyayari kapag ang sistema namin ay hindi nakaka-resolve sa iyong domain name, at ito ay nangangahulugang may problema ang iyong mga DNS servers. Maaari itong mangyari kapag ang lahat ng mga DNS servers mo ay down, o ang koneksyon sa iyong DNS servers ay down.
Maaaring hindi mo agad mapupuna ang ang mga DNS problems kung gagamit ka ng mga naka-cached na DNS records sa halip na lumikha ng panibagong DNS queries. Ito ang siyang karaniwang nangyayari kapag palagi kang naka-access sa website/server at ang mga DNS records ay nasa cache. Gayon pa man, ang mga bisita mo (lalo na sa mga first time na bisita) ay hindi maaaring ma-resolve ang domain.
Ang sistema namin ay nakatakdang magsagawa ng panibagong DNS query sa bawat check o pagsiyasat para makikita namin agad ang mga DNS problems. Dahil sa caching behaviour na ipinaliwanag sa itaas, maaari mong ituring na hindi totoo ang inireport na error. Hindi ito katulad sa kung ang error ay nakompirma mula sa maraming lokasyon ng pagmomonitor.
Pwede mo ring i-bypass ang checking sa DNS sa pamamagitan ng pagmamanman ng website/server IP address sa halip ng domain name. Kung gusto mong gawin ito, tiyakin lamang na magkahiwalay na minomonitor mo ang iyong DNS servers.